Thursday, January 26, 2012

Journal


Hindi ko alam kung ito na ba ang pinakamasaya o pinakamalungkot na nangyari sa buhay ko.
Hayan naman siya, ang babaeng ayaw ko ng makita. Kanikanila lang ay tinawagan niya ako dahil importante daw.
Kaya lumabas ako sa bahay ng lola ko at pumunta sa internet café kung saan daw kami
magkikita. Tinanong ko siya kung ano ba yung gusto niyang sabihin. Di siya agad sumagot kaya nairita ako at tinanong siya ulit gamit ang malaki kung boses.
Tumingin siya sa akin gamit ang mga mata niya na
di ko kayang makalimutan.
Wala daw siyang kasama pauwi kaya’t tinawag niya ako.
Tiningnan ko siya ulit at humingi ng tawad sa pagsigaw ko sa kanya. Di siya kumibok at tumingin sa malayo. Tumingin din ako sa kanyang tinitingnan at nagpahinga ng malalim.
Dahil gabi na at malapit na man yung terminal ng mga dyip kaya sinamahan ko na lang siya.
Habang kami’y lumalakad patungo sa terminal ay nagsimula siyang magkuwento tungkol sa aming nakaraan. Tumawa siya na nagkuwento siya
tungkol sa pagising niyang natabunan ng dugo ang mukha niya. Di ako tumawa at bigla na din siyang tumigil sa paglakad.
Tinanong niya ako kung may gusto pa rin ba ako sa kanya. Di ako sumagot sa tanong niya. Ilang minuto yata kaming nakatayo ng nagsimula na din kaming lumakad ulit. Hinatid ko siya sa sasakyang niyang dyip at sinamahan siya habang di pa nakaalis yung dyip.
Habang lumalayo yung dyip iniisip ko yung tanong niya. Mahal ko pa ba siya? Naalala ko yung ngiti niya nung tumawa siya. Kung alam niya lang sana kung gaano ko siya ka mahal. Kung alam mo lang sana ang sakit dinadala ko.
Sa kasamang palad namatay si Derek dahil sa sakit niyang lung cancer. Ako pala si Karen at binabasa ko lang ang journal na iniwan sa akin ni Derek.

No comments:

Post a Comment